52

Nov 24, 2017 @ 11:49
By

Aquino, 2 iba pa iimbestigahan sa maanomalyang DAP, PDAF

Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na imbestigahan si dating Pangulong Benigno Aquino III at dalawang dating opisyal nito kaugnay ng kuwestiyonableng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang imbestigasyon ay mula sa reklamo na inihain ng Coalition for Investigation and Prosecution na pinamumunuan ni Greco Belgica.

“The NBI, through Director Dante A. Gierran, is hereby directed and granted authority to investigate the complaint filed by Coalition for Investigation and Prosecution represented by Greco Belgica, et al. against former President Benigno Aquino III et al. for malversation,” ayon sa department order 749 na inilabas kanina ng DOJ.

Inatasan ni Aquirre si Gierran na bumuo ng special task force na magsisiyasat sa reklamo at isusumite ang reports kay Justice Undersecretary Antonio T. Kho Jr.

Layunin ng imbestigasyon na magsagawa ng case build up laban sa mga sangkot sa PDAF at DAP scam.

Nauna nang tinukoy ni Aguirre na hindi naman lahat ng mga nabunyag sa pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) ay naipagharap ng kaso. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?