2,041

Jan 12, 2022 @ 14:01

Aprub sa pamilya: Ayanna Misola game sa hubaran

Handang-handa raw ang bagong sexy star na si Ayanna Misola sa kaniyang hubaran scene sa pagbibidahang pelikulang “Kinsenas, Katapusan.”

Ayon sa aktres, bagama’t nabibigla siya sa mabilis na pagdating ng mga bagong oportunidad, nagpapasalamat siya sa Viva Entertainment dahil hindi siya nito pinapabayaan.

“Aware naman po ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful po talaga ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng big bosses namin sa Viva. Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako,” pahayag ng aktres sa virtual media conference ng nasabing pelikula.

Aniya, marami siyang nakapilang project sa Viva na malayong-malayo sa karakter niya sa totoong buhay.

“Marami po akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa karakter ko in real life ang mga role ko, pero game lang!” ani Ayanna.

Tinanong din si Ayanna sa naging reaksyon ng kaniyang pamilya tungkol sa paghuhubad niya sa harap ng kamera, sagot ng aktres: “Tanggap na po ng family ko kung ano yung pinasok ko. Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang po yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula.”

Si Ayanna ay bibida sa pelikulang ‘Kinsenas Katapusan’ sa ilalim ng Viva Films, at makakatambal niya ang batikan ng aktor na si Joko Diaz.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?