198

Mar 10, 2020 @ 12:24
By

Aprub sa FDA: COVID-19 test kit ng UP, pwede na gamitin

Sa wakas ay hindi na kailangang sumandig ng Pilipinas sa ibang bansa para sa testing kit upang malaman kung positibo ba ang isang indibiduwal sa coronavirus.

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 test kit na ginawa ng University of the Philippine National Institute of Health (UPNIH), at pinondohan ng Department of Science and Technology.

Batay sa statement ng FDA nitong Martes, sila’y naglabas na ng certificate of exemption para sa nasabing test kit.

“This supports the CODE RED status raised by the Department of Health (DOH) and the recent declaration of President Rodrigo Duterte of a state of Public Health Emergency,” lahad ng FDA.

Sa pag-usisa ng Senado ukol sa kahandaan ng mga health agency sa paglaganap ng coronavirus sa bansa, kinumpirma na nasa 2,000 lang ang testing kit na hawak ngayon ng Pilipinas, na ayon kay Senadora Nancy Binay ay hindi magiging sapat sa abot 100 milyong Pilipino sa bansa.

Ang pag-apruba ng test kit ng UP ay makakatulong para mas lalong ma-monitor ng gobyerno at mga ospital ang mga COVID-19 carrier sa bansa.

“The increasing number of reported COVID 19 cases will require immediate diagnosis and monitoring. This will provide our laboratories with technological reinforcement to accommodate the growing number of patients to be tested and aid in early screening of positive cases. Furthermore, this will provide greater access to a less costly diagnostic procedure,” saad ni FDA Director General Rolando Enrique Domingo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?