42

Jun 23, 2022 @ 13:11

Aprub na kay Whamos? Ermat ni Antonette masaya na magkaka-apo na

Ibinunyag ng jowa ni Whamos Cruz na si Antonette Gail del Rosario na hindi negatibo ang naging reaksyon ng kanyang ina nang malaman nito na siya ay buntis na.

Matatandaang noong nagsisimula pa lamang sina Whamos at Antonette ay mariing tinutulan ng kanyang ina ang kanilang relasyon. Umabot pa ito sa pagpapa-Tulfo kay Whamos dahil 17-anyos pa lang noon si Antonette.

Ngunit ngayong 18-anyos na at nagdadalang-tao, sinabi ni Antonette na masaya naman ang kanyang ina para sa kanila ni Whamos.

“Ang una ko pong sinabihan syempre lahat ng family namin. Yung mga reaksyon nila, sobrang saya dahil may pinakamagandang blessing si God na ibinigay sa amin,” pahayag ni Antonette.

“Okay naman yung relasyon ng mother ko and Whamos. Yung past, pinag-usapan na namin ganoon talaga maraming bagay ang susubok sa inyo pero in the end mas mabuti pa rin na okay ang family namin na nakapalibot sa amin,” dagdag pa niya.

Sa katunayan, sumama pa ang ina ni Antonette sa kanyang pagpapa-check up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?