36
robredo
By

Approval rating ni Robredo tumaas, trust bumaba

Sharing is caring!

Nadagdagan ang approval rating ni Vice President Leni Robredo habang nabawasan ng ilang puntos ang trust rating niya sa pinakabagong resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong Biyernes.

Sa survey na isinagawa ng June 15-21, nakakuha si Robredo ng approval rating na 62%, tatlong porsiyento na mas mataas kumpara sa 59% na naitala nito noong unang bahagi ng taon.

Samantala, ang trust rating niya ay natapyasan ng dalawang puntos mula sa dating 58% noong Enero ay naging 56% ngayong Hunyo.

Sa kabila nito, ikatlo pa rin ang Bise Presidente sa “most approved at trusted” na opisyal ng gobyerno sa likod nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?