42
ABANTE nicanor faeldon balik kulungan jail
By

Appointment papers ni Faeldon sa BuCor, pinirmahan na ni Duterte

Sharing is caring!

Malapit nang makauupo sa puwesto ang dating Customs commissioner na si Nicanor Faeldon bilang chief ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa nang mailabas ng executive secretary matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga papeles ni Faeldon para mapangasiwaan na ang BuCor, ahensya na dating hinawakan ng senatorial candidate na si Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

“Nicanor Faeldon’s appointment papers as director general of the BuCor have been signed by the president and [are] ready for release by the executive secretary,” saad ni Guevarra sa mga reporter.

Kasabay din nito ang ika-113 anibersaryo ng BuCor, ngunit hindi pa tiyak kung kailan mai-rerelease ang mga dokumento para pormal nang maitalaga sa puwesto si Faeldon.

Matatandaan na noong Agosto ngayong taon ay nag-resign si Faeldon sa Bureau of Customs kaugnay ng lumusot na bilyong halaga ng shabu mula China sa isang pantalan dito sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?