By

Appointment paper ni Bato bilang BuCor chief, aprub na

Sharing is caring!

Aprubado na at hinihintay na lang ang pag-upo ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa para sa kanyang bagong posisyon bilang director general ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nabatid na hawak na ng Department of Justice (DOJ) ang BuCor kaya obligado si Bato na i-report ang lahat ng magaganap sa kanyang tanggapan kumpara sa PNP na siya ang masusunod at hawak niya ang kapulisan sa bansa.

Nilagdaan ang appointment papers ni Dela Rosa noong Abril 30, 2018 sa Malakanyang matapos iprisinta ang appointment papers nito nang personal na i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, aprubado na rin ang appointment paper ni dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Leonardo Guerrero at nakatakda na itong umupo bilang administrator ng Maritime Industry Authority sa ilalim ng Department of Transportation.

Ang appointment paper ni Guerrero ay nilagdaan noong Abril 26, 2018 at magtatapos hanggang Hulyo 11, 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?