puyat2
By

Appointment nina Puyat, Mama-O inilabas na ng Palasyo

Sharing is caring!

Isinapubliko na ng Malacañang ang appointment papers ng mga bagong opisyal na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na linggo.

Kabilang dito ang appointments nina bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Abdullah Mama-O bilang Special Envoy of the President to the State of Kuwait.

Si Puyat ang magsusulong at magpo-promote sa Pilipinas bilang tourist destination para makaakit ng mas marami pang dayuhang turista.

Si Mama-O naman ang magiging sugo ng Pangulo sa Kuwait para ipaabot ang mga mensahe sa Kuwaiti government lalo na ang may kinalaman sa mga Filipinong nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.

Hinirang din ng Pangulo si Atty. Karen Jimeno bilang Undersecretary for Disaster Resiliency ng Presidential Management Staff na nasa ilalim ng Office of the President.

Isa pa sa mga bagong appointee ng Pangulo ay si Benjamin Escandor Palmero, bilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) Renewables Corporation.

Matatandaang Lunes ng gabi nang manumpa sa bagong puwesto si Puyat sa Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?