110

Oct 29, 2017 @ 18:01

Appointment ni Roque, bentahe sa mahihirap – Ridon

Ikinalugod ng sektor ng urban poor ang pagtalaga kay Harry Roque bilang bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Commission for the Urban Poor Terry Ridon, bentahe sa mga mahihirap ang bagong posisyon ni Roque dahil makakadiretso ito kay Pangulong Duterte para matalakay ang human rights issues sa bansa.

Mayroon aniyang commitment si Roque na gawing prayoridad ang isyu ng human rights at nag-alok pa kay Pangulo na maging tagapayo sa mga isyung may kinalaman sa karapatang pantao.

“The appointment of Harry Roque as Presidential Spokesperson provides a new, fresh direction in the communications of presidential policies and programs,” sabi ni Ridon.

Si Ridon ay naging estudyante ni Roque sa UP College of Law at nagkasama ang dalawa sa pagkuwestiyon sa ilang pambansang isyu gaya ng Philippine baselines law at ilang military agreements na kinasangkutan ng mga dayuhang tropa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?