9

By

Appointment ni Faeldon sa BuCor may rekomendasyon na ng CSC

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Department of Justice Secretary (DOJ) Menardo Guevarra na may rekomendasyon na si Civil Service Commission (CSC) Chair Alicia dela Rosa-Bala sa appointment ni Nicanor Faeldon bilang Bureau of Corrections (BuCor) director general.

Ayon kay Guevarra tumawag mismo sa kanya si Bala para sa nasabing update sa appointment ni Faeldon.

Ang nasabing rekomendasyon ay nakatakda aniyang isumite ng CSC sa Malakañang.

Una nang inihayag ng kampo ni Faeldon na wala pang pormal na appointment na inilalabas ang Malacañang kay Faeldon kaya hindi pa siya pormal na umuupo sa BuCor.

Ginawa ng kampo ni Faeldon ang paglilinaw makaraang ihayag kamakailan ni Guevarra na halos isang buwan matapos maitalaga sa BuCor ay hindi pa rin daw nagpapakita sa kanyang tanggapan sa kawanihan si Faeldon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?