45

Mar 4, 2020 @ 15:14
By

Appointment binitin: CA naguluhan sa ranggo ng PH envoy to Thailand

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni Philippine ambassador to the Kingdom of Thailand Millicent Cruz-Paredes, sa pagkakaroon ng dalawang ranggo.

Bukod kasi sa ranggong Chief of Mission 1, may ranggong Chief of Mission Class II din Cruz-Paredes bilang ambassador extraordinary at plenipotentiary to the Kingdom of Thailand at Permanent Representative to the United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific.

“I still want to know what rank she is being appointed to? Is she being appointed to the rank of Chief of Mission, Class 1 or Chief of Mission, Class 2?”, tanong ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora, miyembro ng CA panel.

Dahil dito, hiniling ni Zamora na ipagpaliban muna ang kumpirmasyon ni Paredes hangga’t wala pang linaw sa nasabing isyu.

Tanging ang kumpirmasyon lang ni Paredes ang ipinagpaliban pero nakalusot naman ang kumpirmasyon ng 24 na iba pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Lusot din sa CA ang kumpirmasyon ni Lieutenant General Allen Paredes, ang bagong commanding general of the Philippine Air Force (PAF) at 4 na iba pang opisyal ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?