147

Apo ni Dolphy nagpasiklab sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Hindi maikakaila na kapag nagmula sa angkan ng mga Quizon ay paniguradong talentado.

Ito ang pinatunayan ni Rowell, apo ng comedy king na si Dolphy nang sumali ito sa ‘Tawag ng Tanghalan’.

Bukod sa pagpapabilib gamit ang kanyang tinig, tila naman din nito ang comedic chops ng kanyang lolo.

Game na nakipagkulitan si Rowell sa mga ‘It’s Showtime’ hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro, at ipinamalas din ang pag-iimpersonate sa mga huradong sina Jaya at Ogie Alcasid.

Si Rowell ay anak ng namayapang si Freddie Quizon, na isa ring dating aktor. Si Freddie ay isa sa anak ng comedy king kay Engracia Dominguez. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?