34

Nov 24, 2021 @ 16:26
By

APO exec na-sorry pero itinangging lumaklak ng alak sa Senado

Humingi ng paumanhin sa Senado ang opisyal ng printing office na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na uminom umano ng alak habang nasa sesyon.

Itinanggi ni Dominic Tajon na alak ang iniinom niya kundi humigop lamang siya ng cola.

Noong Martes, tinalakay ang panukalang 2022 budget ng PCOO, kung saan naobserbahan ng mga senador si Tajon, sales at marketing manager ng APO Production Unit, na umiinom umano ng alak.

“I profusely apologize to the honorable Senate and humbly beg for its utmost compassion, liberality, and consideration…and excuse me for the perceived disrespectful conduct during the said session,” saad ni Tajon sa sulat kay Senate President Vicente Sotto III.

“I vehemently deny imbibing liquor or any other fermented drink during the session. Suspicion could have been made of such inappropriate behavior when I had a sip of cola in a water goblet,” dugtong niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?