29

Jul 30, 2018 @ 16:47
By

Aplikasyon para sa pagka-chief justice, sasalain sa Agosto 3

Itinakda na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Biyernes, Agosto 3, ang deliberasyon para sa mga nag-aplay para sa posisyon ng chief justice.

Sa nasabing petsa, bubusisiin ng JBC kung naisumite bang lahat ng mga aspirante ang mga initial requirement para sa kanilang aplikasyon.

Naghigpit na kasi ang JBC sa pagtalima sa documentary requirement kasunod ng sinapit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa puwesto dahil sa quo warranto.

Nabigo kasi si Sereno na magsumite ng kumpletong bilang ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na hinihingi ng JBC.

Samantala, kasama rin sa pag-uusapan ng JBC ang petsa para sa public interview ng mga aplikante.

Kasama sa mga aplikante sina Associate Justice Teresita Leonardo De Castro, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Andres Reyes at Judge Virginia Tehano ng Tagum City RTC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?