14
views

By

Apinan umigkas, Makati pinahiya ang Manila

Sharing is caring!

LUBOG ng 16 puntos, umahon at naghigpit ng depensa ang Makati para itakas ang 99-98 thriller kontra powerhouse Manila Huwebes ng gabi sa MPBL Datu Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Bayani ng Skyscrapers ang ex-PBA player na si Jeckster Apinan, na nagsalaksak ng game-winning layup sa natitirang 3 segundo tungo sa panalo.

Naghahabol 64-48 sa third period, naghigpit ng depensa ang Skyscrapers at pinagana ang opensa sa pagtarak ng 14-3 run.

Tuluyang nakuha ng Makati ang manibela sa unang pagkakataon 97-95 sa split charities ni Apinan. Pero agad sumagot ang Manila sa field goal ni Chris Bitoon, 30 segundo pa sa orasan.

Sa unang salpukan, come from behind win din ang nirehistro ng Pasay para alpasan ang Rizal 87-81. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?