124

Dec 12, 2018 @ 15:25
By

Apinan tinulungan ang Makati sa 7th straight victory sa MPBL

Ikinulong ng Makati Super Crunch ang Mandaluyong El Tigre 79-63 para sa ikapitong dikit na panalo sa kainitan ng mga aksiyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup eliminations, Martes ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Pumoste ng 22 puntos si Jeckster Apinan at may tig-apat na rebounds, assists at steals habang umayuda naman ng 12 puntos si Cedric Ablaza habang 10 puntos ang ambag ni James Mangahas.

Depensa ang naging susi ng Makati para madagit nito ang panalo at maipwersa ang Mandaluyong na tumala ng 26 turnovers at nakagawa ng 33 puntos ang Makati mula rito.

“I think it’s the mentality of being in one page that made us successful the past seven games,” wika ni Makati coach Cholo Villanueva.

“Right now, we would like to think that we’re peaking at the right time, but our goal really is to stay in the top four and gain a home court advantage heading to the playoffs.”

Patatag nang patatag ang kapit ng Makati sa ikaapat na pwesto sa Northern division tangan ang 13-4 baraha habang ang Mandaluyong naman ay lubog sa 7-9 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?