51
Graft case ni Crisologo natutulog sa Sandiganbayan
Nov 29, 2019 @ 18:49
By

Apela sa P1B kaso kontra mga Marcos, binasura

Hindi pinaboran ng Sandiganbayan ang apela ng gobyerno na baligtarin ang desisyon na pagbasura sa P1 billion civil case laban sa mga Marcos.

Sa inihaing motion for reconsideration ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), sinabi nitong inamin ng defendants ang alegasyon kaugnay sa ill-gotten nature sa Tourist Duty Free Shops assets.

Ibinasura ng 2nd Division ang apela ng PCGG dahil sa kawalan ng merito matapos mabigong makapagpresinta ng bagong argumento.

Batay sa desisyon ng Second Division, kulang ang mga naiprisentang ebidensiya para patunayan na si Bienvenido Tantoco ay nagsilbing dummy nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos sa paglikom ng P1.052 billion halaga ng ill-gotten wealth.

Batay sa kasong inihain ng prosekusyon, ang mga Tantoco ay nakakuha ng prangkisa para sa operasyon ng duty-free shops upang ikubli umano ang totoong pinagmulan ng kanilang yaman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?