71

Dec 21, 2017 @ 10:11
By

Apela ni Syjuco na mabasura ang mga kaso, tablado sa Sandigan

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang apela ni dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief at dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr. na mabasura ang kanyang kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y maling paggamit ng pork barrel funds.

Sa apat na pahinang resolusyon, walang nakitang kapani-paniwalang dahilan ang anti-graft court Special Fifth Division para aprubahan ang motion for reconsideration ni Syjuco at baligtarin ang naunang desisyon na ituloy ang kaso.

Ayon sa korte ang mga argumento ni Syjuco sa kanyang MR ay pawang reiterations lamang ng kanyang motion to dismiss.

Nauna nang ibinasura ng Sandiganbayan ang motion to dismiss ni Syjuco dahil sa kawalan ng merito.

Nag-ugat ang mga kaso ng dating kongresista sa pagpasok sa P3.4-million na halaga ng kontrata sa sarili nitong non-government organization na Tagipusuon Foundation, Inc. para sa implementasyon ng programang manukan sa kanyang distrito noong taong 2000. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?