84
Apela ni Napoles sa kasong plunder, ibinasura ng Sandiganbayan
Apr 1, 2019 @ 19:05
By

Apela ni Napoles sa kasong plunder, ibinasura ng Sandiganbayan

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang guilty verdict laban kay convicted plunderer Janet Lim Napoles dahil sa maling paggamit ng P224.5-million Priority Development Assistance Fund o pork barrel ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Hindi pinaboran ng First Division ang motion for reconsideration ni Napoles at sinabing “the evidence [of the prosecution] is sufficient to establish the guilt beyond reasonable doubt.”

Ayon pa sa Sandiganbayan, hindi umano maisasagawa ang paglilipat ng P124.5 million PDAF ni Revilla kung hindi nagsabwatn si Napoles at dating legislative aide ng una na si Richard Cambe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?