13
ABANTE-TNT-napoles-discount
By

Apela ni Napoles na malipat sa DOJ custody, tablado sa Sandigan

Sharing is caring!

Ibinasura ng tatlong dibisyon ng Sandiganbayan ang mga apela ni Janet Lim Napoles na maisailalim siya sa witness protection program ng Department of Justice.

Ang Third Division ng anti-graft court ang huling naglabas ng desisyon na tanggihan ang urgent motion for transfer ni Napoles kasunod ng kaparehong desisyon ng First at Fifth Division.

Sa resolusyon, sinabi ng korte na ang parehong batas na tinukoy ni Napoles ang nagkaila sa kanyang entitlement para maging state witness.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Napoles na provisionally admitted siya sa WPP, kaya pwede siyang ilipat sa ligtas na lugar base sa itinatakda ng Republic Act No. 6981, o ang Witness Protection, Security, and Benefit Program.

Pero ayon sa Sandiganbayan, ang Implementing Rules and Regulations ng RA 6981 ang dahilan kung bakit nawalan ng merito ang mga argumento ng akusado dahil nakasaad sa Section 1 ng IRR na walang sinumang bilanggo ang maaaring isailalim sa WPP.

“Accused Napoles is under detention for a lawful cause. She is charged with plunder which is a non-bailable offense,” saad sa resolusyong pinonente ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Ayon pa sa Sandiganbayan, ikinunsidera nito ang inihaing manifestation ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na kontra sa mosyon ni Napoles at ang komento ng prosekusyon na nagsabing wala itong intensyon na gawing testigo si Napoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?