57

By

Apela ng mga fan sa resulta ng ‘MayPac’ fight supalpal sa korte

Supalpal ang ilang nagreklamong fans na hindi nakuntento sa nagdaang laban nina Senator Manny `Pacman’ Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na binansagang `Fight of the Century’.

Ito ay matapos na ipagtibay ng US court na wala silang karapatang kasuhan ang dalawang boksingero dahil lamang sa hindi silang naging happy sa kinalabasan ng tunggalian.

Magugunitang nagsampa ng kaso ang ilang fans sa 2015 bakbakan nina ‘Pacman’ at ‘Pretty Boy’ dahil nadismaya sila sa resulta ng pagtutunggali ng dalawa.

Ngunit base sa lumabas na desisyon ng 9th US Circuit Court of Appeals na mayroong 3-0 boto, lumitaw na hindi naman pinilit kundi boluntaryong bumili ng kanilang mga ticket at nagbayad sa pay-per-view ang boxing fans kaya wala silang karapatang magdrama.

Hindi rin nila puwedeng gawing isyu ang hindi agad pag-amin ng fighting senator sa iniinda nitong sakit sa kanang balikat bago ang laban dahil hindi ito naging hadlang para tapusin ng Pambansang Kamao ang kabuuang 12 rounds na sapakan nila ni Mayweather kung saan wagi ang American boxer noong May 2015 sa MGM Grand Garden arena sa Las Vegas, Nevada.

“Although the match may have lacked the drama worthy of the pre-fight hype, Pacquiao’s shoulder condition did not prevent him from going the full 12 rounds,” ayon kay Circuit Judge Jacqueline Nguyen.

“Plaintiffs therefore essentially got what they paid for — a full-length regulation fight between these two boxing legends.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?