115

Jan 23, 2019 @ 23:22
By

Apela ng DepEd: Bantayan, disiplinahin ang mga anak

Sa gitna ng usapin hinggil sa pagpaparusa sa mga kabataang edad 12-anyos na lumalabag sa batas, umapela ang DepEd Schools Division of Santiago City sa mga magulang na tumulong para maging disiplinado ang mga anak.

Pinaalalahanan nito na nagsisimula umanong matutunan ang “magic words” na Hello, Please, You’re Welcome, I’m Sorry at Thank You sa mga tahanan.

Sa bahay din umano natututunan na maging tapat, masigasig, may simpatiya sa kapwa at pagkakaroon ng respeto sa mga matatanda at mga guro.

Dito rin nalalaman ng mga bata kung paanong maging malinis, huwag magsasalita kapag may laman ang bibig, kung paano ang wastong pagtatapon ng basura, kung paanong pag-iingatan ang kanilang gamit at higit sa lahat, ang malaman na hindi tama na kunin ang hindi sa kanila.

Nitong Miyerkoles inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill No. 8858.

Sa ilalim nito, ibababa sa 12-anyos ang edad ng batang maaaring parusahan sa batas mula sa dating 15-anyos.

Naunang ipinanukala noong Lunes ng House justice committee na 9-anyos ang dapat na age of criminal liability pero marami ang tumutol dito dahil masyado pa umanong bata ito at hindi pa alam ang kanyang ginagawang mali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?