81

Mar 11, 2020 @ 13:05
By

Apektado ng COVID-19: Mga laro sa PBA, suspendido muna

Hindi muna tuloy ang mga laro sa PBA dahil sa nangyayaring pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Nitong Miyerkoles inanunsyo ng liga ang nasabing desisyon matapos magkaroon ng emergency meeting ang mga PBA governors at official para sa magiging hakbang ukol sa coronavirus outbreak.

Kasama sa mga suspendidong laro ay ang sa PBA Philippine Cup, kasama pa ang nasa D-League Aspirants’ Cup at ang bagong PBA 3×3.

Kaya naman ang nakatakda sanang laro sa pagitan ng TNT at Phoenix, at NLEX kontra NorthPort sa Smart Araneta Coliseum ay hindi na matutuloy.

Hindi pa naman tukol kung kailan magbabalik ang PBA dahil walang binigay na eksaktong timeline ang liga tungkol sa suspensyon.

“In a Special Board Meeting, held last night March 10, the Philippine Basketball Association Board of Governors through the Office of the Commissioner, decided with prudence to cancel effective today, March 11, its on-going PBA Philippine Cup and PBA D-League Aspirants Cup games and activities and PBA 3×3 inaugurals until further notice,” ayon sa pahayag.

“Considering the present situation surrounding COVID-19 and the Presidential declaration of Public Health Emergency, it is our paramount duty and responsibility to ensure the health and safety of our fans, players, teams, officials and staff.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?