24

Oct 17, 2021 @ 14:56
By

Apayao, Bulacan, Capiz GCQ na

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagkakasa ng general community quarantine (GCQ) sa Apayao, Bulacan, at Capiz.

Ayon sa inisyal na ulat, epektibo na ang naturang quarantine status sa mga nasabing lugar simula bukas, October 18 na magtatapos sa October 31.

Ilan sa mga papayagan sa ilalim ng GCQ ang religious gatherings (30%), outdoor non-contact sports, pagbubukas ng mga government agency (30%), at pagbabalik pasada ng public transportation. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,