11

By

Apat na tulak nahulihan ng P.8M na shabu

Sharing is caring!

Nasa higit P.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa apat na umano ay mga talamak na tulak sa isinagawang operasyon sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni NPD Dir. Chief Supt. Gregorio Lim ay ganap umanong alas-11:00 pasado ng gabi nang madakip ang mga suspek na sina Ronilo Saplad, 54-anyos, Ferdinand Andrada, 52-anyos, Gerardo Del Mundo, 51-anyos at Ilona Gail Cristobal, 42-anyos na pawang mga residente ng Barangay 37 ng nasabing lungsod.

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit sa isang bahay sa Macabalo Street, Barangay 37 ng nasabing lungsod laban sa tatlo at nang magkaabutan na ng isang pakete ng shabu at P1,000 na halaga ng marked money ay doon na dinakma ng pulisya ang mga suspek.

Bukod sa 1 gramo ng shabu na nakuha sa buy-bust ay nasa 80 gramo ng shabu, 10 plastic sachet na nasa 39 gramo at sampung pakete na nasa tatlong gramo pa ang nakuha sa kanila na may kabuuang 119 gramo.

Mabilis ring binitbit sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?