36

By ,

Apat na tres ni Tyler Tio, susi ng Ateneo kontra EAC

Nagpakawala ng apat na tres si Tyler Tio tungo sa game-high 19 markers at giyahan ang Cignal-Ateneo Blue Eagles sa limang dikit na panalo sa 2019 PBA D-League sa bisa ng 90-46 pagkatay sa Batangas-EAC Generals Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tumatag sa unahan ang Blue Eagles hawak ang 7-1 na baraha, na nakakuha rin ng ng 16 points off the bench kay Matt Nieto.

“It was a physical game, I think that was certainly their formula for trying to deal with Ange (Kouame) and George (Go) inside. But you know we just tell our players to play through that and we don’t need to engage in that,” ani Cignal coach Tab Baldwin.

Walang kahirap-hirap sa opensa ang Ateneo na agad tumalon sa 21 bentahe sa pagtatapos ng first half 40-19.

Samantala, tanging si JP Magullano lang nakapagdouble-digit sa Generals, 12 points at anim na rebounds, na laglag na sa playoffs race hawak ang 2-6 na karta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?