45

Jul 18, 2021 @ 17:55
By

Apat na Pinay hinarang sa NAIA

Apat na Pinay ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mapag-alamang sa Dubai talaga sila pupunta gayong ang kanilang mga dokumento ay para sa isang bansa sa Europa.

Ayon sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo, Hulyo 12 nang babyahe sana ang apat sakay ng Emirates flight papuntang Dubai sa NAIA Terminal 3.

Ang kanilang visa at work permit ay para sa bansang Albania sa Europa, ngunit kalaunan ay sinabi nilang ni-recruit sila bilang household service worker sa Dubai.

“This is a type of third country recruitment, wherein victims are given documents for one country, but end up being deployed in another,” pahayag ni BI commissioner Jaime Morente.

“In many instances, victims are made to accept conditions that are otherwise not acceptable just to be deployed for work,” dagdag pa niya.

Dinala ang apat sa Inter-Agency Council Against Trafficking upang makasuhan ang kanilang mga recruiter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?