204
Anyare? Pelicans natalo dahil sa timeout
Mar 17, 2019 @ 12:54
By

Anyare? Pelicans natalo dahil sa timeout

Sa kakaibang sitwasyon, binitawan ng New Orleans Pelicans ang laro dahil sa pagtawag ng timeout gayong wala na silang natitira pa.

Sa overtime period lamang ang Pelicans ng tatlo kontra Phoenix Suns, 136-133, pitong segundo ang natitira.

Naisalpak ni Suns forward Josh Jackson ang panablang tres para sa 136-all, biglang tumawag ng timeout ang Pelicans, ayon nga lang, wala na sila nito.

Dahilan ang eksena para matawagan ng technical foul ang koponan, napasok naman ni Devin Booker ang charity.

Natapos ang laro 138-136 sa isa sa pinaka-kakaibang pagkatalo ng isang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?