83

By

Anyare? Ogie Diaz nag-react sa pagmumura ni Locsin sa Inquirer journalist

Naguguluhan ang showbiz talent manager na si Ogie Diaz kung anong nangyari at tila nag-iba ang ugali ng dating mamamahayag na si Teddy Boy Locsin.

Saad sa tweet ni Ogie, parang santo pa noon si Locsin sa panahon ng pamumuno ni yumaong dating Pangulo Cory Aquino, ngunit nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon.

“Santo pa noon si @teddyboylocsin nu’ng panahon ni Cory Aquino, eh. Anyare? Ba’t ngayon parang ano na?” nagugulumihanang tweet ni Diaz.

Ito’y kasunod ng pagmumura ng Foreign Affairs Secretary sa isang journalist mula Philippine Daily Inquirer dahil sa tweet nito tungkol sa hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa closing ceremony ng ASEAN.

Sagot naman ni Locsin, noong panahon pa ni Aquino ay hindi ‘santo’ ang ugali niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?