128

Anyare? Mga netizen nagtakang wala sa Top 3 ang UE Pep Squad

Hindi matanggap ng ilang netizen na hindi naka-podium sa UAAP Cheerdance competition Season 82 ang UE Pep Squad.

Panglima ito sa walong cheerdance squad at umani nang 645 total points.

Samantala, hindi nagbago ang pasok sa podium finish kumpara noong nakaraang taon: nanguna ang NU Pep Squad (722 pts.) at sinundan ng FEU Cheering Squad (706 pts.) at Adamson Pep Squad (658.5 pts.).

Halatang dismayado ang mga netizen na tinuring na pang-Top 3 ang malinis na Pinoy Reggae performance ng UE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?