154

Oct 27, 2018 @ 15:48
By

Anyare? Cousins ejected kahit ‘di naglaro

Kilalang mainitin ang ulo ng bagong Golden State Warriors na si Demarcus Cousins at madalas ma-thrown out sa laro, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na kahit nasa bench lang siya, napatalsik pa rin.

Sa laban ng Golden State kontra New York Knicks kung saan nagwagi ang una, 128-100, nagkaroon ng eksena si Cousins kahit pa nakaupo lang ito sa bench.

Hindi na nahagip ng kamera ang dahilan ng pagka-thrown out nito, ngunit ipinaliwanag ng nagpataw na referee na si Scott Foster, na nagkasagutan umano si Cousins at Knicks center Enes Kanter, dahilan upang ma-eject ang una,

Nang ma-interbyu si Cousins, tila ‘di rin niya alam ang mga serye ng nangyari. ““I’m trying to figure it out, too,” saad ng four-time NBA All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?