anwir

Anwar Ibrahim ng Malaysia, pinalaya na

Sharing is caring!

Nakalabas na mula sa kulungan si dating deputy prime minister Anwar Ibrahim makalipas ang apat na taon.

Binigyan siya ng royal pardon ng bagong talagang Malaysian Prime Minister na si Mahathir Mohamad.

Dakong alas-11:30 ng umaga nitong Miyerkoles bumangon si Anwar mula sa Cheras rehabilitation hospital sa Kuala Lumpur kung saan siya nagbubuno ng kanyang sentensiya matapos operahan sa balikat.

Kabilang si Anwar sa mga nakulong dahil sa kanilang political views.

Sinentensiyahan siyang makulong ng 11 taon dahil dito at ngayon nga ay binigyan na ng pardon sa basehan na “miscarriage of justice”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?