39

Oct 11, 2021 @ 18:21
By

Anunsyo ng OCTA pabigat sa DOH

Nagiging dagdag trabaho umano sa Department of Health (DOH) and ginagawang pagaanunsyo ng OCTA Research sa resulta ng kanilang pag-aaral sa mga numero kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Inamin ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pagdinig ngayong Lunes ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng kwalipikasyon at metodolohiya na ginagamit ng OCTA sa kanilang mga prediksyon.

Sa pagdinig sinabi ni committee chairperson at DIWA Rep. Michael Aglipay na isa sa layunin ng komite ay tiyakin na hindi magkakaroon ng kalituhan ang publiko kaugnay ng mga lumalabas na datos ng COVID-19.

“So what do you think, are they confusing the public at times?” tanong ni Aglipay kay Vergeire.

Sinabi naman ni Vergeire na minsan ay nagiging dagdag trabaho sa DOH ang pagpapaliwanag sa inilabas na datos ng OCTA Research.

“Yun pong kailangan po namin ipaliwanag din yung mga inilalabas nilang report,” sabi ni Vergeire.

Inihalimbawa ni Vergeire ang anunsyo ng OCTA na magkakaroon ng surge.

Sa panahong ito ay nasa 50% pa lamang umano ang ICU at health care utilization ng bansa at kasama ito sa tinitignan ng DOH.

“So wini-weigh po namin binabalanse namin dahil nakikita namin kinakaya natin and we will be doing our part kapag dumating sa threshold namin unfortunately the announcement was done so the clamor was there even though we have our matrix at nandun naman talaga yung plano na magpi-preempt tayo early on pero mas napa-aga ang mga desisyon dahil nga po may lumabas na ganitong mga statement and that really doesn’t help government at all,” dagdag pa ng opisyal ng DOH.

Bukod sa aspetong pangkalusugan, sinabi ni Vergeire na kinokonsidera rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ang iba pang bagay gaya ng epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

“Hindi lang ho health ang tinitignan pati ekonomiya kasi pag dating sa IATF. Yun pong mga ganitong instances it really gives as a hard time,” wika pa ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?