1,546
sabong

Antonio solo champ sa World Slasher Cup

Sharing is caring!

Inihayag ng Pintakasi of Champions, host ng “2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby,” sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City ang listahan ng mga nanalo.

Halos 300 lokal at dayuhang sabungero ang sumali sa 10 araw na pasabong na inisponsoran ng Excellence Poultry & Livestock Specialists at Pit Games Media Inc.

Nanguna si sabong idol at Rep. Patrick Antonio sa naiposteng 8.5 puntos upang tanghaling solo champion noong Miyerkules ng gabi.

Nagpasikat din ang mga baguhang sina Rey Canedo ng Davao at Cris Sioson ng Bataan kasama si Pit Games CEO Manny Berbano (RC Warriors and Chris Purple) sa kinulektang walong panalo at isang talo para sa runner–up finish.

May 8-1 (panalo–talo) rin sina Astig endorser Biboy Enriquez ng Excellence (Firebird 2), Jess Moradas, Henry Teves, Arnold Mendoza, Frank Berin/Danny Bulldog at Thunderbird 6 entry.

May 7.5 marka ang Team Alcala ng Quezon at si Rico Abliter habang 7–2 (panalo–talo) sina Ito Ynares, R. Abliter, Vergil Intino, Max Benedicto, Jojo Alcovendaz, Cholo Violago, Vice Marasigan at Biboy Enriquez (Firebird 1).

Lalarga ang WSC 2 sa May 6 hanggang 12 na isang 9–cock event din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?