13

Jul 1, 2020 @ 12:41
By

Antonio, Paragua patitigasin PH team

TIYAK na malaking pagbabago sa komposisyon ng natioanal chess team pagsalang sa 44th World Chess Olympiad na gaganapin sa Russia sa susunod na taon.

Ito’y matapos mag-1-2 finish sina New York City-based GM Mark Paragua at GM Rogelio Antonio, Jr. sa katatapos na Pichay Cup “Battle of GMs” rapid online chess tournament.

Hindi kasali sina Paragua at Antonio sa nakaraang edition ng Chess Olympiad.

“We want to send the best team possible in the coming Olympiad, so it’s not a bad idea to change the composition of the national team,” hayag ni Asia’s first GM Eugene Torre na isa ng coach ng national chess team.

Sa naganap na “Battle of GMs”, kinalos ni Paragua si Antonio, 1.5-.5, upang tanghaling kampeon at sikwatin ang P25,000 top prize.

Nakopo naman ni Antonio ang P15,000 runner-up prize.

Ang mga miyembro ng national team na naglaro nakaraang Chess Olymppiad ay sina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Rogelio “Banjo” Barcenilla, IMs Paulo Bersamina at Haridas Pascua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?