194

Mar 19, 2020 @ 19:45
By

Antiviral drugs, wa epek sa COVID-19

Hindi umepekto ang ‘antiviral drugs’ na inaasahang makakagamot sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus dise ase 2019 (COVID-19) sa isinagawang pag-aaral, ayon sa mga researcher mula sa China.

Base sa isinulat ng researchers sa The New England Journal of Medicine, sa kanilang naging obserbasyon ay walang naidulot na benepisyo ang ‘study tested Kaletra’, ang kumbinasyon ng dalawang antiviral medicines, na ‘lopinavir’ at ‘ritonavir’ na iginagamot sa pasyenteng may HIV.

Dahil dito ay wala pang napapatunayang epektibong gamot sa COVID 19, gayunman ay patuloy pa rin ang mga doktor sa ibat ibang bansa na umaasang makakahanap din ng mga gamot na lulutas at pupuksa sa nasabing virus na idineklara nang pandemic.

Una dito ay marami nang sinubukang antiviral drugs na ikinukunsiderang makagagamot sa COVID-19, subalit ang mga ito ay hindi naging epektibo.

Nabatid na ang nasabing antiviral drug, sa loob ng 14 na araw ay sinubukang ipainom ang gamot sa ilang pasayente subalit hindi nito napuksa ang virus at maisalba ang pagkamatay ng pasyente.

Magugunitang inireport ng China na binigyang ng antibiotics at antiviral drugs ng mga doktor upang labanan ang virus at bacterial infections ng mga pasyenteng nagtataglay ng COVID-19.

“There is no solid evidence yet that anything works, but the epidemic is moving so fast that doctors are trying approaches where even preliminary data suggests there may be a benefit. Many feel they are on their own to develop treatment protocols. Federal health authorities like the Centers for Disease Control and Prevention recommend supportive care, but have said there is no evidence yet to support antiviral drugs or treatments for inflammation.” ayon kay Dr. Tim Schacker, vice dean for research and an infectious disease specialist sa University of Minnesota medical school.

“If I’m out in the community and I’ve got somebody who’s dying, of course I would do whatever I could to try and help them,” dagdag pa ng doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?