6

Mar 5, 2021 @ 18:40
By

Antipolo ikinasa na COVID-19 vaccination

Ikinasa na ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang kanilang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagturok ng Sinovac vaccine sa kanilang 100 frontliner.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinimulan ang pagbabakuna sa mga city health officer sa kanilang mga pampublikong ospital.

Batay sa datos, 279 mga healthcare worker umano ang nagparehistro para sa bakuna.

Anang Antipolo city health office, tumataas naman ang bilang sa kanila ng mga healthcare worker na nais mabakunahan kontra COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?