100

Nov 9, 2017 @ 15:24
By

Anti-Trump rally, sinimulan na ng Bayan Muna

Nagsagawa ng lightning rally ang Bayan Muna sa Trump Tower sa Makati bilang simula ng mga aktibidad kontra sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

Bitbit ang placards na may nakasulat na #BanTrump in the Philippines, iginiit ng grupo na mapapahamak ang bansa kung susundan ang liderato ni Trump.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang pagdating ni Trump sa Pilipinas ay insulto sa mga Pilipino dahil ang gobyerno ng Amerika ang isa sa mga responsable sa masamang lagay ng ekonomiya at pulitika sa bansa.

Dagdag insulto rin aniya ang pagtutulak ng Estados Unidos sa pagsasagawa ng airstrikes sa teritoryo ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Zarate na hindi bomba kundi ang Balanggina Bells ang gustong makuha ng Pilipinas mula sa Amerika.

Dapat din aniyang humingi ng paumanhin ang US president sa karahasan at mga pag-abuso noong Philippine American war.

“The US has yet to return the Balanggiga Bells and other war booties they took from our country as well apologize for the atrocities they committed during the Philippine American War and now their racist president is going to visit our country. Trump will definitely be hounded by protest actions wherever he goes,” sabi ni Zarate. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?