3

Oct 17, 2020 @ 15:31
By

Anti-Terror Council ‘di puwede magpaaresto – DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi makakapag-utos ang Anti-Terrorism Council (ATC) ng pag-aresto sa sinuman sa ilalim ng Republic Act 11479 o ang “Anti-Terrorism Act of 2020”.

“What the ATC authorizes is detention for an extended period,” sabi ni Justice Undersecretary Adrian Sugay.

Nitong Sabado inilabas ng DOJ ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng naturang batas.

Siniguro ni Sugay na binigyang konsiderasyon sa pagsasagawa ng IRR ang mga petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng RA 11479.

Aniya, hindi lalabag sa Konstitusyon ang RA 11479 at IRR nito.

Isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11479 noong Hulyo 3, 2020 na umepekto noong Hulyo 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?