19
views

By

Anti-tambay campaign ng PNP pinasisiyasat ni Trillanes

Sharing is caring!

Pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado ang pag-aresto ng pulisya sa mga “tambay” o lumalaboy sa lansangan.

Inihain nito ang Senate Resolution Number 775 kung saan puntiryang repasuhin ang mga batas, ordinansa at iba pang kautusan na pinagbabatayan ng pagdakip at pagbilanggo sa mga tambay.

Pakay din na pagtuunan ng Senado ang diumano ay paglabag sa karapatang pantao at karapatan sa due process ng mga tambay na dinarakip nang walang warrant of arrest, na katulad umano noong panahon ng martial law.

Ayon kay Trillanes, ang kampanya kontra tambay ay salungat sa layunin na maging ligtas ang mga lansangan dahil umano’y nagdudulot ng takot at nagkakait ng katarungan sa mga mahihirap na karaniwang inaaresto.

Inungkat na dahil sa kampanya kontra tambay, namatay ang 22 anyos na si Genesis Argoncillo, alyas Tisoy.

Isa si Argoncillo sa mga tambay na dinakip sa Novaliches, Quezon City noong Hunyo 15.

Ipinasok ito sa siksikang bilangguan kung saan ito napatay umano sa bugbog ng mga myembro ng Sputnik Gang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?