11

By

Anti-Sexual Harassment Law pinalawig ng Kongreso

Sharing is caring!

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagpapalawak ng sakop ng batas laban sa sexual harassment.

Inaamyendahan ng House Bill 8244 na consolidated version ng maraming panukala, ang Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act.

Sa ilalim nito, mapaparusahan ang sexual harassment na ginawa physically, verbally o visually gamit ang internet o iba pang teknolohiya sa loob o labas man ng lugar ng trabaho, paaralan o training institutions.

Pinapanagot dito ang mga superior o person in authority na mag-hire, magbigay ng pabor sa trabaho gaya ng appointment, promosyon o benepisyo at kumpensasyon kapalit ng sexual favor.

Gayundin ang sinuman na mambabastos sa kasamahan sa opisina o mang-iinsulto aa katrabaho dahil sa sexual orientation, pati ang indibidwal na manunulsol o mangungunsinti sa sexual harassment ng iba.

Ang mga boss na hindi aaksiyon sa nalalamang kasong sexual harassment ay pinapanagot na rin lalo na kung lantaran ang ganitong insidente sa pinamumunuang tanggapan.

Inaatasan sa ilalim ng House Bill 8244 ang mga kompanya at tanggapan na magpatupad ng polisiya laban sa sexual harassment na nagdedetalye ng proseso mula sa imbestigasyon ng ganitong kaso hanggang sa pagpapataw ng parusa.

Pinagtatatag din ito ng committee on decorum na magsisiyasat sa sexual harassment cases.

Pero mahigpit na inuutos na panatilihing confidential ang pagkakakilanlan ng biktima sa gitna ng imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?