89

Nov 4, 2017 @ 12:14

Anti-RH groups, pinakiusapang maging kalmado sa isyu ng contraceptives

Nanawagan ang Food and Drug Administration (FDA) sa ilang grupo na may isyu sa paggamit ng mga contraceptives na manatili lang na kalmado.

Kasabay nito, nakiusap din si FDA Director General Nela Puno sa mga anti-Reproductive Health (RH) group na huwag pangunahan ang ilalabas nilang desisyon matapos ang public hearing at technical review sa mga contraceptives.

Nauna nang inihayag ng Korte Suprema na posibleng bawiin na ang inilabas na temporary restraining order (TRO) sa mga contraceptives, na hindi naman nagdudulot ng abortion.

Giit ni Puno, walang basehan ang mga batikos sa kanila at layon lang nito na sirain ang kredibilidad ng ilalabas nilang review sa mga kinukuwestiyong contraceptives.

Sinabi pa nito na ang mga pagdududa sa kanila ay maaaring maging dahilan pa para maantala ang pagpapatupad ng RH Law. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?