Anti-rape underwear, naimbento sa Amerika

Sharing is caring!

Nakaisip ng paraan ang isang mag-asawa sa Amerika para protektahan ang mga kababaihan laban sa lumalalang insidente ng panggagahasa at iba pang sexual assault.

Nagdisenyo sina Ruth at Yuval mula sa Nyack, New York ng isang AR Wear at nakapagpondo ng $55,000 para maisakatuparan ang kanilang layunin, ayon sa Yahoo Style UK.

Ang AR Wear ay isang wearable protection sa mga panganib ng rape.

Malaking problema ng lipunan hindi lang sa Amerika ang rape at pangmomolestiya sa mga kababaihan lalo na sa mga kabataan.

At upang labanan ito, naggawa sila ng damit na panloob na may nakakabit na device na hindi basta matatanggal, magugupit o mahihila ng sinuman na hindi siya ang may suot.

Sa pagrerebyu nila sa mga kaso ng panggagahasa, malaki ang tiyansa na maiwasan ito sa pamamagitan ng pagpalag at paglaban ng biktima.

“The only one responsible for a rape is the rapist and AR Wear will not solve the fundamental problem that rape exists in our world. Only by raising awareness and education, as well as bringing rapists to justice, can we all hope to eventually accomplish the goal of eliminating rape as a threat to both women and men,” sabi nito sa website na Indiegogo.

Gusto rin ng dalawang imbentor nito na magkaroon ng iba’t ibang klase ng proteksiyon na naisusuot gaya ng running shorts, traveling shorts, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?