13

Anti-political dynasty provisions, kinatigan ng Con-com

Sharing is caring!

Pinaboran ang mga miyembro ng Consultative Committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para irebyu ang 1987 Constitution sa panukalang ‘anti-political dynasty’ provisions.

Sa ilalim ng panukala, ang mga incumbent official na may hawak na posisyon sa national, regional o local position ay hindi puwedeng palitan ng sinumang kaanak hanggang sa ‘second degree of consanguinity’.

“Relatives within the second degree as described above cannot run or hold more than one national and one regional or local position,” ayon sa panukala.

Sa deliberasyon ng consultative body, sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno, pinuno ng komite, na ang political dynasty ay pinagmumulan din ng katiwalian sa gobyerno.

“We can no longer wink away the fact that political dynasties have putrefied our politics,” sabi ni Puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?