1,468
kiko-pangilinan
Jul 25, 2018 @ 20:41
By

Anti-Political Dynasty bill umusad na sa Senado

Sasalang na sa plenary debates ng Senado ang Anti-Political Dynasty bill kung saan layong bigyan ng kahulugan ang dynasty sa gobyerno at ipagbawal ito.

Batay ito sa inihain ni Senador Kiko Pangilinan, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, na Committee Report No. 367 na produkto ng mga pagdinig publiko ukol sa political dynasty.

Sa panukala, bawal magsunod-sunod at magsabay-sabay ang magkaanak na hanggang second civil degree of consanguinity at affinity.

Tutukoy ito sa asawa, magulang, kapatid – half o full blood, at mga anak – lehitimo, hindi lehitimo at ampon.

Ayon kay Pangilinan, panahon nang sundin ang pagbabawal ng Konstitusyon sa political dynasty.

Idiniin na ito ang hinihingi ng bayan sa halip na Charter change, no elections at term extension na itinutulak ng ilang kaalyado ng Malacañang.

Sinegundahan ito ni Senador JV Ejercito na isa sa mga nag-akda ng Anti-Political Dynasty bill.

Sinabi nito na kailangan nang umpisahan ang pagbabawal sa magkakaanak para mabigyan ang iba ng pagkakataon na humawak ng pwesto sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?