31

Dec 21, 2017 @ 17:27
By

Anti-illegal drugs ops, tuloy kahit Pasko – PNP

Walang tigil ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang war on drugs kahit ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Ito ay kahit na may ceasefire ang pamahalaan sa pagitan ng mga terorista.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, maraming pera na umiikot ngayon dahil sa pagtanggap ng bonus at 13th month pay at kasama sa pinagkakagastusan ay ang iligal na droga.

Sunod-sunod din ang mga party kung saan umiikot ang mga illegal drugs.

Kaya’t patuloy ang kanilang pagbabantay ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?