34

By

Anti-illegal drug ops, balik-PNP na

Sharing is caring!

Maaari na muling magpatupad ng anti-drug operations ang Philippine National Police (PNP) makaraang magpalabas ng memorandum si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa memorandum ng Pangulo na may pagtaas sa bilang ng krimen sa bansa simula nang alisin sa poder ng PNP ang anti-drug campaign at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bukod dito, mataas din ang clamor o panawagan ng publiko na ibalik sa PNP ang operasyon sa iligal na droga dahil tila lumakas ang loob ng mga kriminal nang alisin sa mga pulis ang operasyon.

Dahil dito sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod sa PNP ay inatasan na rin ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) , Bureau of Customs (BOC) at Philippine Postal na ipagpatuloy ang aktibong pagsuporta sa PDEA.

Ang PDEA pa rin ang magiging pangkalahatang lead agency sa anti-drug campaign at ang ano mang aksiyon ng PNP ay kailangang nasa superbisyon ng PDEA.

“The NBI, PNP, AFP, BOC, Philpost and other agencies involved in anti-illegal drugs task force shall resume in providing active support to PDEA.

“PDEA shall continue be the overall lead agency in anti-drug campaigns and operations, DDB planning and strategy making body in planning and formulation of policies on drug control; ICAD submit monthly reports to the Office of the President on anti-illegal operations,” ang bahagi ng memorandum na binasa ni Roque.

Matatandaang inalis ng Pangulo sa kontrol ng PNP ang anti-drug operations noong Oktubre 11, 2017 dahil sa insidente ng pagkamatay ng dalawang kabataan na pinatay umano ng mga pulis at kinasuhan sa korte ang pumatay sa mga biktima. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?