56
views

Anti-dynasty rule ipapatupad sa 2018 SK polls – Comelec

Sharing is caring!

Sinabi nitong Martes ng Commission on Elections (Comelec) na iiimplementa nila ang anti-dynasty provision sa Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Noong 2016, pinirmahan bilang batas ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kung saan nakapaloob ang anti-dynasty rule.

“They (SK candidates) will file their certificates of candidacy, and there is a declaration that they are not related up to the second civil degree to any incumbent, elected government official,” ani Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam sa telebisyon.

Maaari umanong madiskuwalipika ang mga ito sakaling mapatunayang nagsinungaling hinggil dito dahil nakailalim sila sa panunumpa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?