69

Jul 23, 2018 @ 18:47
By

Anti-Duterte protesters umabot sa 15K – NCRPO

Nahigitan ng bilang ng mga nagprotesta laban sa administrasyong Duterte sa Commonwealth Avenue ang pro-administration groups.

Sa inisyal na report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa 15,000 ang anti-administration groups kumpara sa 9,000 ng pro-Duterte.

Mas malaki umano ang naturang bilang kumpara sa nagsama-sama noong nakaraang taon.

Tatlong grupo naman umano ang nagsanib sa panig ng pro-Duterte na nasa 9,000.

Nagtipon ang anti-administration group sa harap ng St. Peter Parish sa Commonwealth Avenue habang ang pro group ay nagsama sa IBP Road sa Batasang Pambansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?