By

Anti-Duterte blogger kinasuhan ng libel ni Sotto

Sharing is caring!

Tinuluyan ni Senate majority leader Vicente “Tito” Sotto III ng reklamong cyber-libel ang blogger na tumawag sa kaniyang “rapist,” “plagiarist” at lapdog” o tuta ng Malacanang,

Isinampa ni Sotto ang reklamong paglabag sa Cybercrime Prevention Act o Cyber Libel Law sa Pasay City Prosecutor’s Office laban kay Edward Angelo “Cocoy” Dayao, ang umano’y nasa likod ng “Silent No More PH,” isang blog site na kritikal sa Duterte administration.

Sa may apat na pahinang sinumpaang salaysay, sinabi ni Sotto na labis ang ginawang paninira ni Dayao sa kaniya at sa anim na kapwa senador nang dahil sa hindi pagpirma sa isang resolusyon na kumukundena sa extrajudicial killings sa gitna ng gyera laban sa droga.

Naging maliwanag na umano na hindi sila nakapirma sa resolusyon dahil hindi sila nilapitan at hiningan ng lagda ng nagsulong ng resolliusyon pero siniraan pa rin sila ni Dayao.

Sa umano’y blog post ni Dayao sa Silent No More PH, sinabing si Sotto ay “rapist, plagiarist, and bigot who called all single mothers as good for nothing but accidental whores.”

Ayon kay Sotto, nag-udyok ang artikulo ni Dayao para magalit ang publiko sa kanilang pitong senador.

“In as much as respondent (Dayao) has the right to express his opinion, as it is a freedom guaranteed by our Constitution, the means and manner in which he exercised this right with impunity has transgressed into my right as a person,” pahayag ni Sotto.

Nilait din sa blog sina Sen. Richard Gordon na tinawag na “all-bark, no bite lapdog”; Sen. Cynthia Villar na inakusahang nagbuhos ng pondo sa PDP-Laban para maging DPWH secretary ang anak; Sen. Juan Miguel Zubiri na tinawag na hypocrite election cheater at Sen. Gregorio Honasan na sinabing sumama lang sa EDSA 1 Revolution noong marami nang sibilyan.

Winakwak din si Sen. Manny Pacquiao na tinawag namang “bigot, liar, addict-turned-good-person-but-does-not-believe-other-addicts-can-change, womanizer, ignorant.”

Sa pagdinig ng Senado ukol sa paninira kina Sotto at ukol sa pagkalat ng fake news, sinabi ng ilang pro-Duterte bloggers na naging kasapi si Dayao ng communications team ng Liberal Party at ng Aquino administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?